Friday, July 11, 2008

21st ANNIVERSARY

Sa darating na Hulyo 20, 2008, ang GRACE AND TRUTH COMMUNITY CHURCH ay magdiriwang ng ika-21 anibersaryo. Sinimulan ang iglesiang ito sa Libis Reparo Street, Caloocan City noong 1987.



BAGONG PANGALAN: From CPBC to GTCC

Simula rin sa Hulyo 20, 2008 ang pangalang GRACE AND TRUTH COMMUNITY CHURCH ang siya ng tataglayin ng iglesia matapos na taglayin ang pangalang Castle Peak Baptist Church sa loob ng 7 taon.

Ang pagpapalit ng pangalan ay nararapat sapagkat ang iglesia ay hindi talaga Baptist sa doktrina o sa gawain man. Tinaglay ng iglesia ang terminong "Baptist" noong kasalukuyang si Pastor Edgar ay nagbabalak na makiisa sa Central Metro Manila Baptist Association of Churches (CEMMBAC). Naging bahagi ng CEMMBAC ang Castle Peak na tumagal lamang ng humigit kumulang sa dalawang taon.

Ang iglesia, na ngayon ay tatawagin ng GRACE AND TRUTH COMMUNITY CHURCH, ay nananatiling Independent Church.